Lagi namang may ganyan,” reaksyon ng ilang malapit kay Ai Ai de las Alas na patuloy na pinagtataasan ng kilay kung bakit daw tinalo ang mga mabibigat ang acting nina Glaiza de Castro at Iza Calzado as Ci­nemalaya’s Best Actress.

Pero ang pinaka-bonggang observation na nais naming paniwalaan ay ‘yung nagkataon lang marahil na mas marami ang nakapanood at naging­ maingay sa pagbibigay papuri sa mga movie nina Glaiza at Iza, kaya’t parang natulala sila sa victory ni Ai Ai.

Award winning actress na rin naman si Ai Ai. May napatuna­yan na ito sa maga­ling na pagganap, maging sa mga international festival.

And in the spirit of fairness, sang-ayon din naman kami sa mga nagsasabing grabe ang husay nina Glaiza Iza, Celeste Legaspi at Tita Perla Bautista sa mga res­pective entries nila.

Sana nga ay maipalabas pa sa ibang sinehan ang award winning movie ni Ai Ai para naman makumbinsi na ‘yung mga nagtatanong na deserving maging best actress.