3 team sabay umiskor sa 1 gabi ng 140 pts

Tatlong teams ang nagsalansan ng napakara­ming puntos sa iisang gabi sa NBA – bagay na hindi nagawa sa nakalipas na 35 years.

Naglista ng NBA record ang Golden State Warriors nang magbuhos ng 51 points sa first quarter ng 142-111 panalo kontra Denver Nuggets.

“They made a lot of shots,” bulalas ni Nuggets big man Nikola Jokic.
Hindi pa ‘yun ang pinakamalaki Martes nang gabi.

Pasabog ng 149 ang Philadelphia 76ers, may 83 points sa first half tungo sa 149-107 rout sa Minnesota Timberwolves.
Tinambakan din ng Atlanta Hawks ang Oklahoma City Thunder 142-126.

Ayon sa NBA, ngayon lang nangyari na tatlong teams ang umiskor ng 140 sa iisang gabi sapul noong Jan. 7, 1984 nang ilista ng Warriors (154), Nuggets (141) at New York Knicks (140) ang marka.