WALONG binibini, limang ginoo, 13 baguhan ang ipinalakilala kamakailan bilang Star Circle Batch 2018.

Sa walong dalaga, ang best bets ko ay si Anna Luna. Bakit? Sa mga kababaihang kasali, siya talaga ay ‘aktres’ na.

Kahit pa nga parang galing sa isang soap ope­ra ang kanyang pangalan, dalawa na ang best actress trophies ni Luna, para sa Paglipay at sa Maestra kung saan wagi ang hitad sa isang international filmfest na ginanap sa Venezuela.

Pansin na pansin ang kanyang husay sa Changing­ Partners at hindi rin nagpakabog si Anna sa Citizen Jake.

Kung artista ka at pumasa ka sa pihikang panlasa ni film master Mike de Leon, pwede ka na talagang magmaganda dahil ibig sabihin nun, mahusay ka talaga.

Keri rin si Leila Alcasid, anak ni singer, song wri­ter at confirmed na Mr. Big Bird, Ogie Alcasid at one time beauty queen, host and ex-wife ni Ogie da Pogi, Michelle Van Eimeren.

Charming, petite. Pang Pinoy at Caucasian talaga ang may meeting of the genes, pasok sa banga ang pagiging artistahin.

Sa mga pralala writers, itigil na rin ang paghahambing kay Alcasid sa on again, off again kasintahan ni Justin Bieber na si Selena Gomez. Mas palong-palo si Leila noh at hindi talandi!

Kung sa ganda, pinaka-maganda, sosyalin at mamahalin mong tunay itong si Chantal Videla. Neneng pa at 15 pero she exudes a girl/+-woman vibe, ‘yung parang si Aiko Melendez dati. 

Alam mong dalagita pa pero kakasa sa laban, lalo ma sa pag-arte.

Parang wala na ta­yong young miss like her na pwede mong ikumpara ang ganda sa mga beauties before tulad nina Donna Cruz, Gretchen Barretto (nu’ng gumagalaw pa ang mukha niya at 14 going Steady pa ang drama) at Dawn Zulueta.

Alam mong ‘pag nag in full bloom si Chantal, marami siyang kakabugin. Puwede siyang ga­wing leading lady, pri­mera kontrabida.

Lahat ng KathNiel fan dapat kabahan dahil ang batang ito ang tunay na bagay kay Daniel Padilla.

Sa mga kalalakihan, ang diva that you love’s number one bet, si Tony Labrusca. Matangkad, check. Panalo ang katawang pangromansa, check na check! Sing and dance pa, check na check na check! At marunong pang umarte na ipinamalas niya bilang third angle sa love triangle nila nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa La Luna Sangre.

Ang mga pabebe at makitid na mag-isip na mga KathNiel fan, galit na galit kay Labrusca kasi nga, akala nila nag da-the moves ito kay Bernardo, na hindi naman.

May chance na ang susunod na mapopoot sa kanya, eh ang mga LizQuen fantards naman­ kasi nga, may usok na siya ang magiging leading­ man ni Liza Soberano sa Darna. Kung totoo ito, zoom na zoom ang estrella niya, huh.

Sa personal, Donny Pangilinan screams heart throb alert at matinee idol rising. Juice colored­! Muy guapito ang anak nina Maricel Laxa, na marami ang nakaka-miss dahil nga mahusay talaga itong aktres, at Anthony Pangilinan.

Matangkad, pang-leading man talaga at ang best facial asset niya, ang kanyang plump ang pinkish colored lips. So, kung mananalig tayo sa theory na kung ano ang kulay of the lips ng hombre eh siya ring kulay of his gland penis, palakpakan na may kasamang sigawan, pinkish rin ‘yun, huh! Hahahaha!

VJ si Donny sa MYX at kasama rin siya sa Millennial Pare Ko daw ang Walwal. Ang nakakapag-dabog ng bangs na ang dami-dami namang magagandang starlets sa Star Magic Kingdom, kay Kisses Delavin, ang ba­baing mukhang monay.

Ang diva that you love, bet rin si Markus Paterson, kasi football player, meaning mala­kas, maresistensya, masustansya at tiyak lalaban sa katawang pang­romansa department.

Super mestizo pa ang bruho so makakaasa na tayo na flawless at ang mga ugat nito ‘pag nagngalit. Reddish kung reddish at may chance na palaban ang pambihirang palo-palo kasi nga may Bri­tish blood.

Siguro naman circumcised ang binata dahil nga may Pinoy blood ito. Kung hindi naman, ‘yan ang kainamang i-disco­ver, huh!

Ang mga maricon, tiyak na mapupukaw ang pagkamausisa kay Karl Gab­riel. Bakit kaniyo? Kasi may isang baklang blogge­r na hindi mapigilan ang pag­lulumandi at pagpapatutsada sa 20-anyos na binata nu’ng nakalipas na press payanig.

Ang of voting age na si Henz Villaraiz, pansinin kasi big haired ito at pwedeng maging pang-Korean­ drama ang looks. Si Mareng ultra maldita nga, wet na wet ang ima­ginary niyang pagkababae dahil kay Henz, huh.

Pero may good manners and right conduct si Mare, admiring at kinikilig lang from afar, dalagang Filipina pa rin ang emote.

Siya nga ang nagsabi sa akin na nasa morning soap na Sana Dalawa ang Puso Ko at may indie film pa na kasali sa Cinemalaya ang crush niya.

Kung sino talaga ang maging major, major stars or actresses and actors of note sa 13 na ito, tanging ang Pulis Pangka­lawakan lamang ang may alam.