Pagkuha ng SoKor visa pinadali

Magiging mas madali na ngayon ang pagkuha ng visa sa South Korea para sa mga Pilipino na nagnanais bumisita sa naturang bansa.

Ito’y matapos maki-pagkaisa ang mga Pinoy sa Korean community sa Pilipinas na nagmartsa sa Roxas Boulevard at Luneta upang mapaigting ang ugnayan ng dalawang bansa, bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagkakaibigan simula noong 1949.

Sinabi ni South Korean Ambassador Han Dongman na pina-simple na nila ang proseso ng mga aplikasyon ng visa upang hikayatin ang iba pang mga Pilipino na bisitahin ang South Korea.

Ang South Korea ay naglalayong makahikayat ng mas maraming Pinoy na bumisita, mag-aral sa Korea sa pinadaling proseso ng visa requirement.

Sinabi rin ng embahada ng South Korea na bibigyan ng multiple-entry visa ang mga media sa Pilipinas, mga propesyunal, at mga empleyado sa gobyerno para mas madaling makakuha.

Sinabi ni Han na ang mga aplikasyon ng visa ay maaari na ngayong idaa
n sa pamamagitan ng mga travel agency upang mabawasan ang mga pila sa embahada ng South Korea. (Mina Aquino)