Malaking adjustment ang ginawa ni San Miguel Beer coach Leo Austria para makares­ponde ang support cast ni big man June Mar Fajardo na kinulambuan sa depensa ng Magnolia Pambansang Manok.

Linggo ng gabi sa MOA Arena ay tinagay ng Beermen ang 92-77 win para ibuhol ang PBA Philippine Cup Finals sa tig-isang laro.

Itinakas ng Hotshots ang opener 105-103 nang mawala sa diskarte ang SMB sa dulo.

“We’re able to adjust to the kind of defense they were throwing to June Mar,” ani Austria. “Although June Mar was limited to 12 points, most of the supporting cast nag-work really hard to score.”

Pinangunahan ni Arwind Santos ang res­ponde sa kinamadang 2­4 points mula sa 6 of 12 shooting sa 3-point range. May 16 si Marcio Lassiter at 15 kay Alex Cabagnot.

Nagbaba pa ng 13 rebounds si Fajardo.

Sa Game 1 ay naka-31 points si Fajardo pero 15 shots ang pinakawalan, 10 rito ang pumasok. Ang 11 ay mula sa 13 biyahe niya sa stripe.

Kinalos sa limang laro ang Ginebra sa semis, limang araw nagpahinga ang Beermen habang hinihintay ang makakatapat sa Finals.

“We were able to rest but napasobrang pahinga yata that’s why kinapos kami nung last quarter ng first game,” dagdag ni Austria.” But katulad ng sinabi ko, we’ve learned our lesson eh, talagang pinaghandaan nila ito (Game 2). Deep inside naman sa kanila, talagang makikita mo na very serious sila to the point na nga na makikipag-away kahit kanino.”

Isang linggo munang ceasefire ang magkatunggali, basagan muli sa Game 3 sa April 1 sa Smart Araneta Coliseum.