Ang maikling paglalakad, isa o dalawang beses sa isang linggo, ay makakabawas sa panganib ng atake sa puso, stroke o cancer.

Ayon sa isinagawang statistical study, ang pag­lalakad at gardening nang may sampung minuto ay 18% ligtas sa ­pa­nganib sa mga nabanggit na sakit.

Habang ang dalawa’t kalahati hanggang sa limang oras sa isang linggo ng naturang aktibidad ay maaaring nagresulta sa 31% reduction risk sa mga nabanggit na sakit.

Gayunman, hindi lahat ay may oras para sa naturang ­leisure-time exercise.

Ang mga aktibidad naman na nagpapabilis ng tibok ng puso at pulso ay ang biking, running at competitive sports ay mas epektibo kesa sa moderate intensity na aktibidad.

Gayunman, nagbabala ang mga nagsaliksik na ito umano ay pawang base sa obserbasyon lamang at walang konkretong konklusyon. (Juliet de Loza-Cudia)