Paglapag ni Callamard sa PHL irereklamo sa UN

Irereklamo sa United Nations (UN) ng gobyerno ng Pilipinas ang “unannounced visit” ng UN Rapporteur na si Agnes Callamard sa bansa.

Nabigo umano si Callamard na ipagbigay-alam sa gobyerno ang pagbisita nito sa Maynila nitong Biyernes.

Si Callamard na U.N. Special Rapporteur on extrajudicial killings ay nagbigay ng talumpati sa isang policy forum sa isang unibersidad kahapon.

Sinabi nito na nasa Pilipinas siya sa isang official capacity at hindi para magsagawa ng research.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nagbigay na ng direktiba ang gobyerno ng Pilipinas sa mga kinatawan sa UN para idulog ang “unannounced visit” ni Callamard.

“This is a matter we have asked our representatives at the United Nations to take up with their United Nations counterparts and it is something our delegation in Geneva will certainly be raising during their current visit,” ayon pa sa statement ni Abella.