Ni Mildred Bacud

Matapos lumayas sa Viva ni James Reid, tiyak mabubuhayan ng loob ang mga fan ng JaDine. Hindi magtatagal ay babalik na sina James at Nadine Lustre na magkasama sa isang proyekto.

Ayon kasi sa aming source ay gagawa sila sa bakuran ng Dos. Willing din daw ang kampo ng aktor na sumunod sa bago niyang magiging manager. Ang nasagap nga namin ay under Dreamscape daw siya pero co-manager ang ama ni James.

Samantala, kahit mahaba pa ang kontrata ni Nadine sa Viva, sey ng aming dalawang source ay hindi na raw niya umano ito tatapusin. Kung paano ang gagawin ng aktres ay hindi malinaw pero decided na raw ito na sundan ang kanyang nobyo outside Viva. Hindi na rin daw kasi happy si Nadine.

Nitong mga huling pelikula niya ay flop sa takilya at siyempre gusto pa rin niyang makatrabaho si James.

Ang sure sa pagsalo kay James ng Dreamscape ay hindi siya malalaos.