Paglilitis vs solon sa pork scam tuloy

Matutuloy na ang pagbasa ng sakdal at paglilitis ng Sandiganbayan 7th Division kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon at mga kapwa akusado sa pork barrel scam, matapos ibasura ang kanilang Motion for Reconsideration (MR) sa kasong isinampa sa kanya ng Office of the Ombudsman.

“Wherefore, in view of the foregoing, accused de Rozzano Rufino Biazon’s Motion for Reconsideration dated 11, July 2016 is DENIED,” ayon sa inilabas na resolusyon ng nasabing korte kahapon.

Ganito din ang desisyon sa iba pang akusado na sina Mario Relampagos, Rosario Nuñez, Lalaine Paulo at Mariloy Bare sa kanilang hiwalay na ihinaing MR para ibasura ang kasong isinampa laban sa kanila.

Nag-ugat ang kaso nang idaan umano ni Biazon ang kanyang pork barrel na nagkakahalaga ng three million peso Philippine Social Development Foundation, Inc. (PSDFI) sa mga GOs na pag-aari ni Janet Lim-Napoles noong 2007.