Kinalampag ni House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na atupagin na ng gobyerno ang paggastos sa kaban ng bayan para mabiyayaan ng trabaho ang mga kababayang jobless o walang kayod.
Ayon kay Suarez, seryosong problema ang pagdami ng bilang ng mga walang trabaho lalo na’t papasok na ang kapaskuhan.
“The rising unemployment has often been correlated with government expenditures. As government spends its money through its programs and projects, especially in infrastructure, more jobs become available since more workers are needed to implement such projects. Moreover, government expenditure also generates and encourages businesses, thereby fueling the country’s economic growth,” paghahayag ni Suarez sa pulong-balitaan kahapon.
Iginiit ng kongresista na dapat tugunan ang mabagal na paggastos ng pondo ng mga ahensya ng pamahalaan.
Nitong buwan ng Agosto, ng kasalukuyang taon ay umaabot pa lamang sa P2.19T ng kabuuang P3.767T national budget para sa 2018 ang nagagasta.
Katumbas lamang aniya ito ng 60% ng budget.
Naghatag din ng suhestiyon ang mambabatas para mabigyan ng trabaho ang mga kababayan.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), umaabot sa 9.8 milyong katao ang walang trabaho o umakyat ng 22%.