Nilinaw ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na walang bahid pulitika ang isinusulong na paglusaw sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) ng Office of the Solicitor General (OSG).
“I think it’s a question of streamlining. There’s no politics there,” depensa ni Abella nang matanong sa isyu ng abolisyon sa PCGG sa press briefing sa Malacañang kahapon.
Nilinaw din ni Abella na sa ngayon ay ang OSG na ang humahawak sa mga kasong may kaugnayan sa Marcos ill-gotten wealth, habang ang PCGG ang sa administrative function.
“So based on their proposal, the OSG can also handle the administrative functions as well,” dagdag pa ni Abella.