Mga laro bukas:
(FilOil Flying V Center)
2:00 p.m. – Foton vs Generika-Ayala
4:15 p.m. – UVC vs PLDT
7:00 p.m. – Petron vs F2 Logistics

Hindi pinaporma ng defending champion Pet­ron ang United Volleyball Club nang madaling tapusin, 25-12, 25-16, 25-20, at manatili sa top spot ng team standings sa 7th Philippine Superliga 2019 Grand Prix elims sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City kahapon.

Walang kahirap-hirap na hinataw ng Blaze Spikers ang malinis na limang panalo matapos tulungan nina American imports Stephanie Niemer at Kath Bell.

Nakapagtala ng 5-0 lead ang UVC sa third set. Pero dahil sa laki ng kanilang hinahabol ay kinapos na rin sila tungo sa pagtilapon ng baraha nito sa 3-3.

Pinakamasaya sa Blaze Spikers si Bell dahil magandang regalo sa kanyang ika-26 na kaarawan ang panalo ng Petron.

Nagtala si Bell ng 15 attacks at dalawang blocks para sa maggagasolina na lumalakas ang tsansa sa asam na back-to-back titles sa event na inis­ponsoran ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Bukod kina Bell at Niemer, naging instrumento rin sina Denden Lazaro at Mika Reyes sa ragasa.