Umugong ang balita sa diumano’y resignation ng TV host at comedian na si Arnell Ignacio mula sa kanyang posisyon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Nitong January, 2018 ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ignacio bilang OWWA Deputy Exe­cutive Director. Kabilang si Arnell sa mga sumuporta sa kandidatura ni Digong noong 2016.

Ayon sa source, nag-submit umano ito ng resignation subalit hindi pa ito napipirmahan ng Pangulo.
Hinala ng iba na ang kanyang­ pagbitaw sa puwesto ay dahil­ tatakbo ito sa darating na eleksyon. Baka raw kasali siya sa isang party-list.

Subalit may mga nagsabi umano na hindi tatakbo ang tv host. Marahil ay napagod lamang ito dahil hindi biro ang posisyong hawak niya.

May mga nanghihinayang rin sa pagbitaw ni Arnell lalo na at kinakitaan ito ng husay sa trabaho.
Ayon naman kay Arnell, ilalabas niya ang kanyang official statement sa darating na March 1.