Kumpiyansa si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sakali man na may mga nagbabalak na patalsikin sa poder si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi magtatagumpay ang mga ito.

Binigyang-diin ni Panelo na walang tsansa­ at mabibigo lamang ang mga nagbabalak ng masama para mapaalis sa puwesto si Pangulong ­Digong sa gitna ng kaliwa’t kanang kontro­bersya na ipinanghihila pababa sa Presidente.

“Wala, (destabilization, military adventurism at iba pang paraan ng pagpapatalsik kay ­Pangulong Duterte) ­nothing…wala ‘yun…(impeachment) lalo na ‘yun. Kasi supported ­siya,” giit ni Panelo sa isang panayam kahapon.

Binanggit pa ng ­Palace official na magtutuluy-tuloy ang pagbabago sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ang pagbabago, aniya,­ ay asahang mangyayari sa lahat ng aspeto ng lipunang Pinoy.

“Tuloy-tuloy po ang pagbabago sa ating bansa­ sa lahat ng aspeto ng ating lipunan magkakaroon ng pagbabago sapagkat ‘yung tatlong binanggit niya corruption, criminality,­ drug menace­ talagang sisirain niya ‘yun at ‘pag sinira mo ‘yun everything will follow.

Dadating ang mga investment magiging­ mapa­yapa ang ating lipunan, magkakaroon ng mga trabaho ­dahil papasok ang investment eh maraming trabaho ang mga tao magkakaroon ng pagkain sa lamesa,” ­salaysay ni Panelo.

Inihayag ng opisyal ng Palasyo na maraming Pinoy ang nauunawaan ang istilo at diskarte ng pagmamando sa gobyerno­ ni Pangulong Digong.

May mangilan-ngilan­ lamang aniyang hindi makaintindi kay Pangulong Duterte at ang mga ito ay kabilang sa mga simula pa lamang ay gusto nang mapaalis at mapalitan ang Presidente.

“I think the Filipino people understand him…only few…who refuse to understand this man.

This man represents the ideals of the ordinary Filipino kaya siya tinatanggap ng Filipino kasi nakikita nila kay Duterte ‘yung sarili nila at si Duterte naman nakikita niya ang sarili niya na siyang kumakatawan dun kasi galing siya dun,” sabi ni Panelo.

Umaasa si Panelo na kalaunan ay makukumbinsi rin at mapapabilib ni Pangulong Duterte ang mga komokontra.

“I think eventuall­y they will kasi makikit­a naman kumbaga kung ano ang resulta ng trabaho ni Presidente Duterte makikita nila. Marami na akong nakausap na kontra sa kanya na (nagsabing) ngayon ko lang siya naintindihan, parang magaling pala siya.

Maraming ganu’n…maraming ganu’n. Ang hindi mo lang makukumbinsi ‘yung talaga­ from the very beginning ayaw sa kanya kasi gustong palitan siya nila…‘yun lang ‘yun,” pagdidiin ni Panelo.

76 Responses

  1. Tama nman ang mga sinabi mo Panelo.. Pero hwag tayong magpaka kumpiyansa kasi maraming alipores yang mga demonyong kalaban ni Digong… Dito nga lang sa Forum na ito marami na eh… Kaya patuloy kaming magbabantay… susubukan din namin laging magpaliwanag kahit minsan ay alam na naming sarado na ang isip ng ilan…at least hindi lang nman sa kanila ang ipinapaliwanag natin, kung hindi para sa lahat ng taong nakakabasa nito…

    1. Ang sinasabi mong pinapatay ay salot ng lipunan, Bakit di mo sabihin sa libong addict yan… at ipaliwanag mo sa pamilya na pinatay ng mga addict ang mga mahal sa buhay sagot nila…

    1. Tama ka nagampanan na niya ang patayin ang mga adik na users pero ang mga drug lords na nakakulong ay may immunity pa para ibagsak si De Lima. Ang masama ay hindi magtatagumpay at kung magtagumpay man ay sa umpisa lang.

      1. Ang immunity nila ay protection kay Delima na isang magaling na abogada.. ayaw nilang madagdagan ang kanilang kaso dahil nagsasabi lang nman sila ng totoo… sino ang gusto mong tanungin nila ng kwento tungkol sa droga sa bilibid, ikaw???

  2. kahit magtawag pa kayo! magsanib pwersa ang dilaw at puti at yellow uli, wala kayong binatbat sa amin dahil walang makakapigil sa mga balak ni PRRD, walang makakatalo sa duterte admin ngayon kahit magunaw na ang US