Tiniyak ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na hindi mapapahiya si Pangulong Rodrigo Duterte kapag hinirit nito ang panibagong ekstensyon ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Arroyo, hinihintay na lamang ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pormal na kahilingan ng Pangulo para mapalawig muli ang Batas Militar sa nasabing rehiyon.
“If it comes to our chamber, I will recommend that we pass ito,” sabi ni Arroyo sa isang ambush interview kahapon. (Aries Cano)