Pagpapalawig ng validity ng pasaporte aprub

Aprubado na ng Technical Working Group (TWG) ng House Committee on Foreign Affairs ang may 22 panukala na nagpapalawig ng validity ng passport.

Sa TWG na pinamumunuan ni Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ay napagkasunduang amyendahan ang RA 8239 o ang Philippine Passport Law.

Sa ilalim nito ay palalawigin ang expiration ng pasaporte ng mga adult o nasa edad 18-anyos pataas hanggang 10 taong validity, habang sa mga menor-de-edad ay hanggang limang taon pa rin ang passport validity.

Giit ni Arroyo, panahon na para palawigin ang validity ng passport dahil lubhang napakaikli ng limang taon, bukod sa napakamahal pa ng renewal. Inaasahan din na mababawasan ang mahabang pila sa pagkuha ng passport at mas marami ang maeengganyo na mag-apply dahil sa bagong patakaran.