Pagpapatalsik sa pangulo malabo — Bam

Aminado si Senador Bam Aquino na malabong mangyari ang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may pagkilos ang tinaguriang “yellow forces” upang siya’y patalsikin.

Hindi man direktang ­tinukoy ng Pangulo ang ­naturang grupo ngunit kilala­ ang kulay dilaw na siyang kulay na dala ng Liberal Party (LP).

Ayon kay Aquino, isa sa mga miyembro ng LP, ­ikinagulat ng buong partido ang naturang pahaya­g ng Pangulo dahil kailanman ay hindi nila ito napag-usapan­ man ­lamang.

“We were all kind of surprised when he said that statement so I think there really needs to be a clearing of the air with him. We never even talked about it,” ayon kay Aquino.

Sinabi pa ng senador, kitang-kita naman ang ­buong suporta ng kanilang partido hindi lamang sa mga programang isinusulong ng pamahalaan kundi maging sa liderato ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel.

Kaya malinaw na walang anumang plano­ at hindi niya umano alam kung saan galing ang ­impormasyon.

“Obviously we’re here, we’re supportive of Sen. Pimentel and we’re supportive of the reforms that his departments are trying to push. So, clearly for me there’s really no plot. I don’t know where he got his information,” dagdag pa ni Aquino.

Una na ring itinanggi ni Sen. Franklin Drilon, LP chair, na may kinala­man ang kanilang partido sa planong pagpapatalsik sa ­Pangulo.