Pagpapel ng Kongreso sa immunity ng Marcoses kailangan — Palasyo

Naniniwala ang Malacañang na positibong hakbang ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na manghimasok ang Kongreso kaugnay sa negosasyon hinggil sa pagbawi ng mga kinukuwestiyong yaman ng pamilya Marcos.

“It is good that these concerns are being raised, that this is precisely what the President made public, the overtures of the Marcos family and has asked Congress to deliberate the matter and to come up with legislation giving authority and guidelines,” pahayag ni Presidential spokesperson Ernesto Abella sa press briefing sa Malacañang kahapon.

Sa pamamagitan ng naturang hakbang ay makakatiyak, aniya, na ang negosasyon ay naa­ayon sa batas at magtataguyod sa “national interest” gayundin sa hinihirit na hustisya.