Nakiisa si San Antonio, Nueva Ecija Mayor Arvin Salonga sa pagkondena sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili sa Batangas province kahapon ng umaga habang nasa flag raising ceremony.

Ayon kay Mayor Salonga, isang matalik na kaibigan at kakilala si Mayor ‘Boy’ Halili na tubong Poblacion, San Antonio, Nueva Ecija.

Si Mayor Halili, na sumikat dahil sa kanyang ‘shame campaign’ sa droga, ay nagtamo ng tama sa dibdib na posibleng sniper ang ginamit dahil sa malayong lugar nagmula ang bala.

Umaasa si Mayor Salonga na agarang maaaresto ang mga tunay na salarin.