Pagpatay ng adik na ermat sa anak, hindi katanggap-tanggap — Palasyo

Hindi katanggap-tanggap sa Malacañang ang ginawang pagpatay ng isang sinasabing drug addict na ina sa kanyang 5-anyos na anak at pananaksak ng 26 beses sa kapatid nito sa Barangay Tuy, Rizal, Laguna.

Sinabi ni Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na nabigla ito sa balita at sa sinapit ng magkapatid na paslit mula sa kanilang ina na pinaniniwalaang nasira na ang utak dahil sa paggamit ng iligal na droga.

“I am shocked at the news of what happened in Laguna, about the death of 5-year-old Cathe­rina Caponpon and the multiple stabbing of her older sister Keisha Kayle at the hands of their own mother whose mind was addled by drug use,” ani Andanar.

Ang insidente ayon sa kalihim ay isang halimbawa ng masamang epekto ng iligal na droga kaya dapat na matigil ang illegal drug trade sa bansa. (Aileen Taliping)