Pagpatay sa doktor sa Cotabato kinondena

Mariing kinondena kahapon ni Gov. ­Mujiv Hataman ng Autonomous Region in Muslim ­Mindanao ang pagkakapatay sa isang doktor sa Cotabato City.

Napatay ng isang armado si Dr. Sajid ­Sinolinding at bodyguard nitong si ­Mohammad Esmael sa loob mismo ng kanyang klinika sa ­Cotabato Doctors Clinic, Inc. sa kahabaan ng Sinsuat Avenue.

Nagpanggap umanong pasyente upang makapasok sa klinika ang suspek at doon nito binaril sa ulo ang doktor na nakababatang kapatid ni Health Secretary Dr. Kadil Sinolinding.

Hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaslang at kung paano nakapasok ang killer sa pagamutan ng hindi natunugan ng security guards ang dalang armas nito.