Pagpatay sa mga pari iimbestigahan ng NBI

nbi-building

Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang pagpatay sa mga pari ng Simbahang Katolika, pinakahuli kay Fr. Richmond Nilo na pinatay sa ­Zaragoza, Nueva Ecija noong ­Hunyo 10.

Nabatid na parallel investigation ang gagawin ng NBI pero payag naman ito na ang Philippine National Police (PNP) pa rin ang manguna sa imbestigasyon.

“I will give the PNP ample time to do their job. But I will bring in the NBI anytime as circumstances may ­warrant,” ayon kay Guevarra.

Depende umano sa mga “development” ng isasagawang imbestigasyon ng PNP at mga ebidensiya ang parallel investigation na ga­gawin ng NBI.

Iniutos ito ni Guevarra dahil na rin sa lumalakas na panawagan ng publiko na malaman ang katotohanan sa pagpaslang sa tatlong paring Katoliko.

Bukod kay Nilo, noong Abril 29 ay pinagbabaril rin si Fr. Mark Ventura sa Caga­yan matapos na mag­misa at noong Disyembre 5, 2017 ay binaril din si Fr. Marcelito Paez sa Nueva Ecija.