Tapos na ang kabanata ng pamumuno ni Maria Lourdes Sereno bilang Chief Justice (CJ) ng Supreme Court (SC).
Kaya naman apela ng ilang lider ng Kamara ay dapat nang tutukan ang panibagong yugto sa gagawing pagpili ng Judicial and Bar Council (JBC) sa inonominang bagong Punong Mahistrado.
Umaasa si Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu na bibigyan na ng atensiyon ng publiko ang isusumiteng shortlist ng JBC kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ibasura ang motion for reconsideration at katigan ng SC ang diskuwalipikasyon ni Sereno sa pamamagitan ng inihaing quo warranto petition laban dito.
“After due process was served, it is time to move on. We have closed this chapter in the history of judiciary. Let’s work together to ensure that the next Chief Justice is fit, morally upright with unquestioned integrity, incorruptible, irreproachable, and has adequate ability or skill to lead and strengthen the judiciary,” panawagan ni Abu.
Umapela rin si Abu sa bawat isa na magsikalma. Dapat aniyang irespeto ang kapasyahan ng SC.
“Let’s be an advocates of sobriety by respecting the authority of the Supreme Court being the last bulwark of democracy,” ayon pa kay Abu.