Sinuportahan ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano ang pa­nawagan na muling pag-aralan ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

“A review of the Mutual Defense Treaty would make way for the still ambiguous provisions of the agreement to be clarified. This is particularly needed in case of any attack by a foreign country on our territory including the West Philippine Sea,” pahayag ni Alejano.

Nauna nang inilutang ni National Defense Secretary Delfin Lorenzana ang posibleng pagrebisa sa Mutual Defense Treaty upang matukoy kung dapat pa ba itong panatilihin, palakasin o ibasura na lamang.

Ayon kay Alejano na dating Marine officer, malabo ang kartada ng mga opisyal ng Amerika partikular na sa pagdepensa sa Pilipinas kapag inatake ng mga dayuhan.

“With regards to the West Philippine Sea dispute…which is the most pressing security issue now, US have opted to assume a seemingly hands-off attitude. The statements of US officials were vague and non-committal. We hope to hear a definitive stand on the matter,” pagdidiin ni Alejano.

Hinimok ng Magdalo solon ang US na umayon sa gagawing pagrebisa sa kasunduan dahil mainam na tsansa ito para mabigyan ng katiyakan ang kanilang pakikipag-alyansa sa Pilipinas. (Aries Cano)