Pagsabog ng Taal, ASF, nCoV lalatay sa ekonomiya

Maaaring hilahin pababa ang ekonomiya ng Pilipinas ng takot sa no­vel coronavirus (nCoV) pati na ng pagsabog ng Bulkang Taal at ang hindi pa natatapos na problema sa African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Nagtala ang Pilipinas ng 5.9% economic growth noong 2019, ang pinakamatamlay nito sa loob ng walong taon na sinisi ng Economic Development Cluster ng administrasyong Durtete sa naantalang pagpasa sa national budget.

Banta rin sa paglago ng ekonomiya ang naging problema sa supply ng tubig noong nakaraang taon at ang mabagal na implementasyon ng mga infrastructure project.

Turismo ang tatamaan sa takot sa nCoV dahil hindi na magbabakasyon ang mga dayuhan sa bansa at liliit ang kita ng mga kompanya ng eroplano, mga hotel at resort at restaurant.

Dagdag pa ng economic development cluster kahapon, problema rin ang bumagal na pandaigdigang ekonomiya, matamlay ang kalakaran sa buong mundo, at ang pagsipa ng pres­yo ng langis.

Hinihikayat ng economic deve­lopment cluster ang mga ahensya ng gobyerno na bilisan ang implementasyon ng mga pangunahing proyekto at bilisan ang paggastos. Ang paggastos kasi ang nagdala sa ekonomiya noong 2019. (Eileen Mencias)