Pagsabog sa maximum security compound sa Bilibid, iimbestigahan ng DOJ

Pagsabog sa maximum security compound sa Bilibid, iimbestigahan ng DOJ

Sisilipin ng Department of Justice (DOJ) oversight team ang nangyaring pagsabog sa quadrant IV ng maximum security compound sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inatasan na ng oversight team ng DOJ ang Bureau of Correction (BuCor) chief na magsumite ng kanilang written report at commence investigation sa tulong na din ng mga pulis na nakapwesto sa NBP kaugnay ng nangyaring insidente.

“The DOJ oversight team has directed the BUCOR chief to submit a written report and to commence investigation in coordination with the PNP contingent stationed at the NBP,” ayon kay Guevarra.

Ang naturang pagsabog ay malinaw aniyang indikasyon kung gaano kalawak ang problema sa seguridad sa loob ng Bilibid.

“The alleged explosion indicates the magnitude of the security problem within the NBP,” aniya.

Batay sa opisyal na report ng NCRPO, naganap ang pagsabog kaninang umaga sa NBP gamit ang isang IED.

Wala namang naitalang nasugatan na inmate at agad naman silang nailikas makaraang pumutok ang pagsabog. (Anne Lorraine Gamo)