Naghahanda na ang Simbahan sa Pista ng ‘di pumapalyang tagpamagitan sa panahon ng lubos na pangangailangan,’ San Antonio de Padua (Hunyo 13). Kinikilala ang sikat na Pransiskano bilang bantog na tagapangaral dahil sa husay nito sa sa pananalita at malawak na kaalaman sa Bibliya. Sa katunayan, binansagan si San Antonio ng “Arko ng Bagong Tipan” ni Papa Gregorio IX noong itanghal niya itong santo ng Iglesya.

‘Phonemenal’ ayon sa Guiness Book of World Records ang buhay ni San Antonio de Padua na may hawak sa rekord na pinakabilis na iproklamang pintakasi ng Simbahan. “Wonder Worker” ang bansag gg Guiness sa santo. Si San Antonio daw ang may pinakamaraming naitalang himala kahit noong nabubuhay pa. Mula pagkabata marami nang mga kuwento tungkol sa kanyang mga milagro.

Tubong Portugal ang tanyag na ‘Evangelical Doctor’ ng Simbahan. Isinilang si San Antonio sa Lisbon at lumaki sa nasabing lungsod kung saan sinimulan nito ang pag-aaral sa giya ng mga Augustinian at ‘di kalaunan ay naging isang ganap na pari. Gayunman, nabighani ang batang Agustino na lumipat sa mga Pransiskano sa hangad na ialay ang buhay bilang misyonero.

Sa biyahe patungong Morocco nagkasakit si Antonio ng malaria kaya’t napilitang bumalik sa Portugal. Dahil sa bagyo at masayang panahon, napadpad ang sinakasyan niyang barko sa Messina, Sicily kung saan inalagaan siya ng mga kapwa Pransiskano hanggang sa umigi ang pakiradam. Nadiskubre ang Kanyang galing noong 1221 sa General Assembly ng mga kongregasyon. Inatasan siya ni San Franciso na mangaral sa Hilagang Italya.

Sa Padua, Italy lubos na sumikat si San Antonio bilang propesor dahil sa kanyang husay sa pagtuturo, pangangaral, at higit sa lahat dahil sa kanyang kabanalan. Namutawi ang malalim na pagkakaibigan sa pagitan nina San Antonio at Kanyang superiyor na si San Francisco. Sa katunayan, tinawag siya ng Pundador ng “aking Obispo”! Nahirang si San Antonio bilang ‘Provincial General’ ng mga Pransiskano.

Tatlumpu’t anim na taon lamang si San Antonio nang bawian ng buhay sa Arcella, Italy dahil sa pamamanas. Lubos ang pagdadalamhati ng lahat sa pagpanaw ng iginagalang at hinahangaang pari. Sa ika-tatlong daan at limampung anibersaryo ng kanyang kamatayan, in-exhume ang kanyang mga labi at nadiskubreng kahit bungo na, nanatiling sariwa at mapula ang kanyang dila- prueba ayon sa Iglesya ng kalinisan at kapanyarihan ng mga salita ng lubos na minamahal na predikador.

Taong 1946 nang ideklarang ‘Doctor of the Church’ is San Antonio de Padua ni Papa Pio XII dahil sa kontribusyon nito sa Teolohiya. Sa kasalukuyan tangan ni San Antonio ang titulo bilang ‘Patron ng mga Naapi’ at kinikilala bilang lubos na makapangyarihan sa mga nawawalang bagay. Kadalasang makikita ang imahen ng santo na may hawak na libro, simbulo ng kanyang galing sa Banal na Kasulatan at kasama ang Sanggol na Hesus bilang ala-ala ng malimit na pakikisalamuha ng Panginoon sa kanya.

Nawa tulungan tayo ni San Antonio de Padua ngayong mga araw ng pangangapa sa solusyon sa laganap na peste. San Antonio, ipanalangin mo kami!