Pagsasaka ng mga Dumagat sa kabundukan, pinauunlad ng Antipolo LGU at ZEP

Libreng mga gamit sa pagsasaka ang hatid ng Antipolo City G­overnment at ng Zero Extreme Poverty (ZEP) sa mga katutubong Dumagat na nakatira sa Sitio Canumay, Libis at Tayabasan.

Sa pagtutulungan ng dalawang ahensya upang mai-angat ang estado ng mga katutubo, nabiya-yaan kamakailan ang 150 pamil-yang Dumagat ng mga kagami-tan na mapapakinabangan nila sa kanilang pagsasaka na siyang pa-ngunahing pinagkakakitaan ng mga Dumagat sa kabundukan.

Ito na ang pangalawang beses na nagkatuwang ang Antipolo LGU at ZEP sa pagbibigay serbisyo sa mga katutubo.

“Nagpapasalamat po kami muli sa ZEP sa walang sawa nilang pakiki- pagtulungan sa Antipolo LGU para masiguro po na ang mga kapatid na-ting katutubo ay nabibigyan ng oportunidad na umunlad. Sa mga ganitong proyekto po ay naipadadama natin sa ating mga kapatid na Dumagat na accessible po ang serbisyong ibinibigay natin sa bawat mamamayan ng Antipolo,” sabi ni City Mayor Jun Ynares.

Bukod sa patuloy na pamimigay ng mga farming tools, naglalaan din ang pamahalaang lokal ng literacy program, medical mission at educational assistance sa mga kabataang Dumagat kung saan ilan na dito ang kasalukuyang pumapasok sa kolehiyo sa ilalim ng Antipolo City Scholarship Program.