Pagsibak sa buong Caloocan PNP kulang pa!

gary-alejano

Bagama’t aprubado ng oposisyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang desisyon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde na sibakin ang lahat ng pulis na nakatalaga sa Caloocan City, naniniwala ang mga mambabatas na hindi ito sapat para matigil na ang pang-aabuso ng mga pulis at ang extrajudicial killings.

“Welcome move, but such action will have no significant impact without reviewing its rules of engagement and policies in carrying out war on drugs, and without denoun­cing extrajudicial killings and committing to run after vigilantes who kill without let up,” ayon kay Magdalo party-list Rep. Gary Alejano.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing pahayag dahil magre-retraining lamang umano ang mga pulis batay sa plano ni Albayalde kaya walang kasiguraduhan na hindi gagawin ulit ng mga pulis na sangkot sa pagnanakaw at pagpatay pagkatapos ng kanilang training.

“Ako ay naniniwala na laganap na ang ganitong abuso, mangyari lamang na nakunan ito ng CCTV. Kung walang CCTV people will assume that everything is okay,” ayon pa kay Alejano.

Maging si Caloocan City Rep. Edgar Erice ay hindi kontento sa retraining lang ng mga pulis-Caloocan at naniniwala ito na magpapatuloy ang pang-aabuso ng mga pulis, hindi lang sa Caloocan City kundi sa buong bansa.

“Practically, the government has given the police the right to kill, the right to plant evidence, the right to ignore terms of engagement and the rule of law. It will be now the rule of the gun. God bless us all,” pahayag ni Erice.

“It’s just a matter of time that the PNP will be transformed into a monster, killing the innocent, violating the rights of the citizenry and committing crimes as they realize,” sabi pa ng kongresista.