Iginiit ng isang mam­babatas na gawing mandatory ng gobyerno ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng pasahero ng mga pampublikong sasakyan sa harap ng pag­laganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Samar Rep. Edgar Sarmiento, chairperson ng House committee on transportation, “very real” ang banta ng COVID-19 sa ating bansa kung kaya’t dapat magpatupad ng mga pag-ii­ngat para sa kaligtasan ng lahat.

Aniya, kung walang face mask ay puwede namang gamitin ang panyo o anumang clothing article na maaaring ipantakip sa ilong at bibig.

Hiniling din nito sa mga public transport ope­rator katulad ng Philippine National Railways (PNR) at Light Rail Transit (LRT) na gawing re­gular ang pag-disinfect sa kanilang mga bagon para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“Masyado na tayong bugbog dahil sa CO­VID-19, baka hindi na tayo makatayo kung pati ang public transport ay patigilin natin,” ani Sarmiento. (JC Cahinhinan)