Kumpiyansa ang Simbahang Katolika na lalabas ang katotohanan sa kontrobersyal na war on drugs ng pamahalaan sa isinampang kaso laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague.

Nababahala na ang simbahan sa nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng mga napapatay na hinihinalang sangkot sa paggamit at pagtutulak ng bawal na gamot.

Kaya naman magandang hakbang ayon sa Simbahang Katoliko ang pagtakbo ng abogado ni Edgar Matobato sa ICC upang idulog ang reklamo laban sa walang puknat na paglabag sa karapatang pantao sa ating bansa na nag-ugat sa giyera kontra ilegal na droga ng gobyerno.

Ang sa amin, karapatan ng ilang kritiko ng gobyernong Duterte na tumakbo kung saanmang korte nila gustong idulog ang kanilang hinaing.

Kaya ang sa ganang amin, makatulong sana ang ICC sa problemang idinudulog ng mga kritiko ng gobyerno ang ICC upang magkaroon na ng katapusan ang usaping ito na hindi na natapos-tapos at nagdudulot na rin ng kalituhan sa taumbayan.

Umaasa rin kaming maging babala sa mga awtoridad na nasa likod ng kampanya kontra ilegal na droga ang pagpapasaklolong ito sa ICC ng mga kritiko ng gobyerno upang lumagay sila sa ayos at ipatupad nang naaayon sa batas ang ginagawa nilang operasyon upang sugpuin ang ilegal na droga sa bansa.

Magugunitang maliban kay Duterte ay kasama rin sa kinasuhan ng abogado ni Matobato ang 11 matataas na opisyal ng pamahalaan kabilang sina Justice Sec. Vitaliano Aguirre, Philippine National Police (PNP) chief Ronald Dela Rosa, House Speaker Pantaleon Alvarez, National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran, Solicitor General Jose Calida kasama rin sina Sens. Richard Gordon at Alan Peter Cayetano at dating Interior Secretary Ismael Sueno.

37 Responses

  1. ibabasura din naman yang kaso nyo dahil wala naman yan,wala namang ebidensya at tistigo.Kung my makita naman kayo paniguradong gawa gawa lang naman yan ng mga nais pumalit sa administrasyong duterte.

  2. hindi naman sila mag tatagumpay sa pagpapabagsak kina Alvarez,dahil malakas ang hatak nila sa tao dahil matino nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

  3. hindi nyo mapapabagsak si cayetano dahil tapat nyang ginagawa ang kanyang tungkulin hindi gaya ng iba dyan,binabayaran lang para lumabas ng balitang walang katotohanan.

  4. Nagsasabog na naman ng lagim ang troll na supporter ni kuya Allan. Mukhang may pondo na ulit. Bwahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!!!!

  5. Puro lang naman pambibintang ang ginagawa ng mga dilaw na yan sa gobyerno natin. Pati pala si Cayetano binintangan rin nila. Wala namang ginawang mali si Cayetano bat dinamay nyo pa.

  6. Epal kasi ang mga dilaw na yan. Pati si Speaker Alvarez na pinagtanggol lang ang pangulo ay kinasuhan na rin. Dapat talagang patalsikin na ang mga dilaw na yan dito sa ating bansa.

  7. sa local muna kayo magsampa ng kaso bago sa international kasi di yan liable,. mabbalewala lang yan stvpid na abogado palibhasa talo sa kaso ni mcdobato