Pagtiklop ni Duterte kay CJ Sereno pinuri

Nakatikim ng papuri­ si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang senador gayundin sa mga kongresista matapos itong tumiklop sa word war kay ­Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kina Sens. Sherwin Gatchalian at JV Ejercito, bihira sa isang Pa­ngulo ng bansa na hum­ngi ng paumanhin sa pagkakamaling nagawa nito.

“Let’s give it to him. He knew he was harsh and apologized for it. He was man enough to know his shortcomings,” ani Gatchalian.

“It is better to have a leader like that than someone who thinks he is always right,” komento naman ni Ejercito.

Maging ang kilalan­g kritiko ni Pangulong Duterte, nagbigay din ng positibong komento sa pagtiklop nito sa word war kay CJ Sereno.

Ayon kay Sen. Leila­ de Lima, ang pagpapakumbaba ni Duterte ay lumusaw sa pangamba hinggil sa constitutional crisis sa pagitan ng Ehekutibo at Lehislatura.

“The President’s apo­logy is a commendable gesture. It quickly erased worries of a conflict between executive & judiciary,” ani De Lima.

Ganito rin ang naging komento ni Sen. Joel Villanueva.

“It’s a good sign for a better, more mature and more harmonious relationship among government branches,” ani Villanueva.

Sa Kamara, pinalakpakan ng mga kongresista si Pangulong Duterte sa paghingi nito ng apology kay Sereno.

“It may not be an an admission that he was wrong in trying to call the attention of the CJ in and thus, overstepping her power as CJ of the Supreme Court but, rather, as gesture of Statesmanship and effort to reach out,” ani House deputy speaker Fredenil Castro.

“Magandang senyales itong pagiging mapagkumbaba, lalo na’t kung ang resulta nito ay mga pahayag na mas mahinahon at walang bahid ng pananakot. Sana magtuloy-tuloy na,” ayon naman kay Quezon City Rep. Bolet Banal.

“Saludo ako kay Pa­ngulong Duterte at maru­nong siyang magpakum­baba at umamin ng mali,” ayon namana kay Ako-Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe habang sinabi naman ni Isa­bela Rep. Rodito Albano na pinatunayan lamang ng Pangu­lo na magalang ito sa mga kababaihan.