Pahiya ang mga kritiko ni Pacquiao!

Napahiya ang mga kritiko ni Sen. Manny Pacquiao na nagsabing hindi na nito kayang manalo pa nang talunin nito ang mas batang si Jessie Vargas kahapon.

Ito ang pahayag ni Iloilo Rep. Jerry Treñas matapos ang kumbinsidong panalo ni Pacquiao na unang senador sa buong mundo na nag-champion sa larangan ng boxing.

“This win of Senator Manny Pacquiao is a sign that contrary to what some people claim, he should not hang up the gloves just yet because he is not done inspiring our people,” ani Treñas.

Kumpara aniya kay Vargas, pinatunayan ni Pacquiao na mas mabilis at malakas ito sumuntok, kaya agad nitong pinaupo sa lona ang kalaban sa unang bahagi ng kanilang laban.

“The victory of our Pambansang Kamao Senator Manny Pacquiao should put to rest all doubts that he should drop his boxing career. This is Manny’s second win and he is bouncing back!” ayon naman kay Davao City Rep. Karlo Nograles.

Sinegundahan naman ito ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez dahil pinatunayan umano ni Pacquiao na wala pa itong kakupas-kupas sa boxing kahit 37-anyos na ito at abala sa kanyang trabaho sa Senado.

“Ang panalo ni Manny Pacquiao ay isang patunay na hindi edad lamang ang dapat ikonsidera. Maliban sa edad, dapat ikonsidera ang quality, preparation at passion ng atleta,” ayon kay Capiz Rep. Fred Castro.

Para naman kay Antipolo City Rep. Romeo Acop, timing ang panalo ni Pacquiao dahil muli nitong pinag-isa ang sambayanang Filipino sa gitna ng mga isyung bumabalot ngayon sa bansa.

“Senator Manny is always there to provide inspiration during times when we needed it most,” ani Acop na inayunan naman ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na nagsabing, “… Pacquiao’s victory will lift up the spirit of many Filipinos. It is definitely a big morale booster to us.”

“Muli na namang pinagbuklod ni Manny ang mga Pilipino. Pinatunayan niya sa buong mundo na walang pagsubok ang hindi kayang higitan ng determinasyon at pananalig sa Diyos,” pahayag naman ni Malabon Rep. Ricky Sandoval.

“I am very proud as a colleague and a Filipino. Sen. Pacquiao brings happiness to us once again,” ayon naman kay Quezon City Rep. Alfred Vargas.

“It is an honor for all Filipinos… Mabuhay ang Pilipinas,” pagbubunyi naman ni Ilocos Sur Rep. Eric Singson, habang sinabi naman ni Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe na, “Thanks for inspiring and giving us strength once again.”