ISA sa pinakamakulay at pinakamasayang fiesta sa lupang hinirang ay ang PAHIYAS sa Lucban, Quezon tuwing Mayo 15.
Ito ay bilang pasasalamat kay San Isidro Labrador, patron ng mga magsasaka.
Ang mga bahay na daraanan ng prusisyon ay may mga dekorasyon.
Sa taong ito ay may alituntunin ang munisipyo na ang mga palamuti ay kailangang makabuluhan sa ipinagdiriwang.
Dapat ay mga galing sa bukid ang dekorasyon – bawal ang mga plastik na kiping at kung anu-ano pang kaplastikan!
Wow!
Mababawasan ang komersyalisasyon sa PAHIYAS 2017 upang ito’y maging tunay na makabuluhan?!
Masaya!
Kaabang-abang iyan!
Higit sa kung ano pa man, ang Pahiyas at mga fiesta sa bayang magiliw ay relihiyosong pagdiriwang.
Sa PAHIYAS ay ipinagpapasalamat kay San Isidro ang masaganang ani ng mga magsasaka.
Nawa’y isapuso iyan ng mga Lucbanin!
Sa makabagong panahon, marapat pa ring pahalagahan ang tradisyon at kultura!