May lugar para manood ng movie at ito ay sa mga sinehan. Mayroon din para sa mga gustong uminom para mag-chill o mag-relax gaya ng bar. Sa bagong bukas na The Boozy Bar sa Uptown Mall sa BGC, Taguig City ay puwede mo nang ma-enjoy nang sabay ang panonood ng sine habang umiinom ng paborito mong cocktail drinks.

Nagbukas noong December 13 ang nasabing cocktail bar sa Uptown Cinemas mula alas-tres ng hapon hanggang alas-12:00 ng hatinggabi. Ibig sabihin nito na maaari mo nang itodo ang enjoyment sa last full show ng sinehan habang umiinom ng paborito mong cocktails gaya ng Angelina (pink gin and tonic); Audrey (classic gin and tonic); J.Lo (lime gin and tonic) at Brad (ginger beer and dark rum) sa halagang P150.

At mula December hanggang January 19, 2019, mayroon silang ‘Aquaman’-inspired cocktails na Deep Ocean at Sea Foam (P125). Kung mas feel mong manonood sa kanilang Ultra Cinema, puwede kang mag-order ng drinks na isi-serve sa iyong kinauupuan sa loob ng sinehan. Bongga ‘di ba!