STANDINGS
TEAMS W L
w-TNT KaTropa 9 1
w-Ginebra 8 2
w-San Miguel 7 3
x-Meralco 6 5
y-Mahindra 6 5
y-Alaska 6 5
y-NLEX 5 6
Phoenix 5 6
Rain or Shine 5 6
z-GlobalPort 4 7
z-Star 2 9
z-Blackwater 1 9
w — 2x-to-beat sa Last 8
x – Playoff sa 2x-to-beat
y — Quarterfinalist
z — Eliminated
Games bukas: (Alonte Sports Arena)
4:30 p.m. — Blackwater vs. San Miguel
6:45 p.m. — TNT KaTropa vs. Ginebra

Kapwa dinomina ng Alaska at Rain or Shine ang mga karibal upang makausad sa quarterfinals ang una at makahirit ng playoff ang huli sa last ticket sa penultimate playdate kagabi ng PBA Governors’ Cup eliminations sa Mall of Asia Arena.
Sa 4-0 at 24-23 lang napadistansya ng RoS ang Star bago binrotsa ang 108-97 win para makalsuhan ang back-to-back defeats at sumampa ang baraha sa 5-6 para maitakda ang pakikirambol sa huling silya sa Last Eight sa may kakartadang Phoenix sa darating na Miyerkules.
Nabaon sa 2-9 at isa tatlong maaga nang magsisipagbakasyong Hotshots na hindi nagamit ang injured na si James Yap at hindi na rin binabad ang ilang starters sa no-bearing game sa kanilang panig,
Sa hinagod na 27 points at 14 rebounds nakabawi si Josh Dollard sa kanyang malabnas na debut game nang yumukod ang RoS sa defending champion San Miguel Beer, 75-82. May 14 pts. si Beau Belga, 11 si Paul Lee at 10 JR Quinahan na mga off-the-bench.
“We just kept ourselves alive for at least another day. We’re just happy we won. It’s been a struggle all confrence long but as long as we have a chance to get to the next round we’ll just keep playing as hard as we can,” deklararasyon ni Elasto Painters coach Yeng Guiao, na nakabentahe ng 19 sa final frame, 91-72, mula sa basket ni JR Quinahan, 8:49 pa sa gameclock.
“We’re slowly getting our import blend with us. We’re going to need that going into the playoff against Phoenix. We beat them in the elims but I guess it’s a different ballgame now because they have a new import,” hirit pa niya.
Bongga namang nagbalik galing sa right calf in jury si Vic Manuel mula sa right calf injury, lumaklak ng 13 points sa 12-minute, 17-second job para maging isa sa mga galamay ng Alaska na sumagasa sa NLEX, 100-85.
Naka-fourth straight win, sixth overall at hinarbat ng Alaska ang seventh quarterfinals slot ng 41st season-ending conference sa pagsama sa nauna nang TNT (9-1), Ginebra (8-2), Beermen (7-3), Meralco (6-5) at Mahindra (6-5) at Road Warriors (5-6).
Nagaya sa sipag at tikas ng 6-foot-3 power forward buhat sa Philippine School of Business Administration nina Calvin Abueva at Sonny Thoss na mga humango ng double-double jobs na 10 pts. each. Naka-11 rebounds pa ang una at 10 boards ang huli. May 27 pts. si LeDontae Henton at naka-14 si RJ Jazul.
Iskor:
Rain or Shine 108 — Dollard 27, Belga 14, Lee 11, Quinahan 10, Chan 9, Cruz 8, Almazan 8, Norwood 8, Ahanmisi 6, Ponferada 4, Tiu 3, Trollano 0.
Star 97 — Wright 27, Simon 15, Sangalang 12, Maliksi 9, Melton 8, Pascual 8, Mallari 6, Garcia 6, Brondial 6, Reavis 0, Barroca 0, Gaco 0.
Quarters: 28-26; 54-41; 80-66; 108-97.