Nanawagan si Senador Loren Legarda na pairalin ang kultura ng pag-iingat o ‘culture of safety’ kaalinsunod sa nangyaring Resorts World attack na nagresulta sa pagkasawi ng mahigit sa 30-katao.

“‘Yung ating kultura ng pag-iingat o culture of safety ay maging kultura po natin kasi minsan hindi tayo prepared at pabaya hindi lamang sa gobyerno kundi maging sa pribadong sektor,” anang senadora.

Ayon sa senadora, sa nangyari sa RW, pinatunayan lamang na mayroong kakulangan pagdating sa kahandaan ng bawat isa pagdating sa mga biglaang pangyayari o sakuna.

“Mayroong kakula­ngan sa ating sariling training kung paano tayo maghanda o sa pagresponde hindi lamang sa mga natural na hamon kundi sa biglaang terorista o hindi man tero­rista pero nakakasakit ng tao,” ayon pa kay Legarda.

Gayunpaman, panawagan pa rin ng Senadora sa mga kinaulalan partikular sa mga pampubliko at pri­badong establisimiyento na maging strikto sa pagpapatupad ng seguridad.

Gayundin sa mga paliparan, daungan, MRT, LRT ay iba pang public facility.