Ang mapalaya si Senador Leila de Lima ang isa sa mga pakay ng mga dumalaw na kinatawan ng International Parliamentarians Union (IPU).

Ito ang kinumpirma kahapon ni Senador Panfilo Lacson matapos na makipagpulong ang mga kinatawan ng IPU sa mga senador na dumalaw sa Senado.

Ayon kay Lacson, bukod sa pangunahing pakay ng mga kinatawan ng IPU ay tingnan ang sitwasyon ng isang parliamentarian ngunit natalakay ang ukol sa kaso ni De Lima.

Dahil kakaiba ang patakaran at regulasyon ng Pilipinas sa kanila, naipaliwanag umano nila ang pinaiiral na batas sa Pilipinas partikular sa judiciary at lehislatura.

Ipinaliwanag umano nila co-equal ang lahat ng branches ng pamahalaan kung kaya’t hindi maaaring diktahan o panghimasukan ang isang sangay ng ibang sangay.

Tulad ng korte hindi maaaring panghimasukan ito ng lehislatura.

Ayon pa sa senador, ipinaliwang nila ang naturang setup dahil na rin sa paniniwalang dapat kumilos ang Senado upang mapalaya si De Lima.

“Ang aim nila roon, ang possible objective nila, possible reinstatement or even release from detention, which we said we cannot do as the legislature in this country because there is the court na mag-decide kung iga-grant siya ng bail or i-release from detention,” ayon kay Lacson.

2 Responses