Tiniyak ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pagiging competitive ng mga government broadcast stations at publishing offices nito sa mga susunod na buwan.
Kasunod na rin ito ng pormal na paglagda sa memorandum of understanding (MOU) sa pagitan ng PCOO at ng China International Publishing Group of the People’s Republic of China on News and Publishing.
Ayon kay Andanar, sa pamamagitan ng news and information exchange training sa pagitan ng PCOO at Chinese counterpart nito ay mas magiging epektibo ang paghahatid ng government media ng mga tamang impormasyon patungkol sa mga programang ginagawa ng Duterte administration sa tumbayan.
International communication and publishing batay pa kay Andanar ang susundang pattern sa mga ikakasang training na ipagkakaloob sa mga personnel na nasa ilalim ng kanyang ahensya gaya ng Radyo ng Bayan, PTV 4 at Philippine News Agency.
Dagdag ng kalihim na panimula pa lang ang MOU sa China upang mapataas ang kalidad ng pagbo-broadcast at paghahatid ng mga balita ng pamahalaan na sa nalalapit ng mga buwan ay kaya nang makipagsabayan sa mga privately run broadcast channels.
akupo di susunding style e s china,di komunistang style, wala po mba kayong saliring style nyo.at manggagaya kayo sa komunista pa.