Umapela kahapon ang isang babaing mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na igalang ang mga kababaihan.

Kasabay nito, nanawagan si Dinagat Island Rep. Arlene ‘Kaka’ Bag-ao kina Duterte at De Lima na ibaling na lamang ang kanilang away sa tunay na kalaban ng bayan — ang kahirapan at kriminalidad.

Sa panayam ng Abante Tonite kay Bag-ao, miyembro ng Liberal Party (LP), sinabi nito na umaasa siyang matigil na ang personalan nina Duterte at De Lima upang maharap na ang tunay na isyu ng bansa.

“Ang mahalaga nga­yon para sa ating lahat ay ang pagtuunan ng pansin ang mga tunay na isyu. Sana matigil na ang personalan dahil nagiging mas mapanghati lamang ito sa ating mga mamamayan,” ani Bag-ao.

Kailangan aniya ng bansa ngayon ay pamahalaan na may pagpapahalaga sa karapatan at dignidad ng bawat mamamayan subalit: “Hindi ito magiging posible kung puro personal na away.

Dalhin natin ang mga away na iyan sa paglaban sa tunay na kalaban– ang kahirapan, ang ugat ng kriminalidad. Sana rin kasama sa adhikaing ito ang paggalang sa kababaihan dahil hindi uunlad ang lipunan kapag wala ito sa ating mga salita at gawa,” ayon pa kay Bag-ao.

Nitong mga nakaraang mga araw, lumala ang away nina Duterte at De Lima kung saan pinagsalitaan ng Pangulo ng masasama ang senadora tulad ng “pangit”, “buang” at kung nanay ko ‘yan papatayin ko.

Ilang beses ding hi­ningan ng komento ng Abante Tonite ang grupong Gabriela sa isyung ito subalit hindi sumasagot ang kanilang mga kinatawan sa Kamara sa tawag o kaya sa text message.

Samantala, pahinga muna ngayong linggo ang Kamara sa pag-iimbestiga sa paglaganap ng droga sa New Bilibid Prison (NBP) noong Justice Secretary pa si De Lima.

Gayunpaman, nabatid na inatasan ni House committee on justice chairman Reynaldo Umali ng Orien­tal Mindoro si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na dalhin sa Kamara si Jaybee Sebastian sa Oktubre 5, 2016 para pagpapatuloy ng imbestigasyon.

8 Responses

  1. anung personalan, ginigawa lamang ng Administrasyung Du30 and ang tama, ang nag kasala ay dapat managot. dapat nyang sagutin kung bakit laganap ang Droga at prostitution sa loob ng bilanggoan, it is the time na sagutin nya ang mga pinag gagawa nya sa panahun na sya ay DOJ.

  2. Dapat sa inyong mga LP, payuhan niyo si De lima na sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya. Huwag mag pi privelege speech o kaya magpa interview o magpahayag ng kanyang pagka inosente sa media. Isa lang ang dapat niyang gawin para ma klaro ang pangalan niya: attend the senate investigation at idipensa niya ang sarili niya. Babae o lalake, it’s immaterial. Ang punto, magsalita siya sa harap ng senado during the investigation.

    1. mas maganda payuhan mo na mga nasa gobyerno na kasuhan na si Delima, alam mo ba na pera mo at ng mamayan ang pinansasahod na mga yan at puro bangayan lang naman sila sa senado at kongreso

      1. Darating din dyan, tsong. Nag iimbestiga pa. Nakalimutan mo na ba, o hindi ka aware, ang mantra ng mga dilawan? Due process? Iyan ang ginagawa ngayon. Kaya, cool ka lang.

      2. cool lang ako, pero siguro naman alam mo din na hindi kailangan ang sarswela sa kongreso para kasuhan si delima if talagang may ebidensya sila kasuhan na para tumakbo na kaso mapabilis. by the way i am not DILAWAN

      3. Matagal talaga ang pagbibigay ng due process, tsong. Hindi basta-basta pinauukol yan. Mahaba ang procseso niyan. At hindi ko sinabing dilawan ka. Ang sabi ko, ang mantra ng mga dilawan. However, wait and see na lang. What matters is the investigation is ongoing.