Ipinagdiriwang ng Bani, Pangasinan ang kanilang taunang piyesya ng Pakwan. Tinaguriang “Pakwan Capital of the North” ang kanilang lalawigan.

Halos siyam na araw din ang ­kanilang naging selebrasyon at sa bawat araw ay may iba’t ibang aktibidad na may ­kinalaman sa pakwan. Natunghayan ng Abante team ang huling dalawang araw ng kanilang selebrasyon.

Sa huling araw ng kapistahan, pumarada ang iba’t ibang kinatawan ng mga paaralan ng Bani. Suot nila ang makukulay na damit na representasyon ng pakwan.

Pinasyalan din ng Abante team ang kanilang Agri-trade fair at namangha sa iba’t ibang produktong ipinagmamalaki ng Bani kagaya ng Mango at Pakwan wine. ­Natikman din namin ang kanilang Palitaw de yema at Palitaw de ube.

Siyempre, hindi ­pinalampas ng aming team na matikman ang ­kanilang napakatamis at ­nakapulang pakwan na mabibili sa ­napakamurang ­halaga. Hindi lang masarap kundi ­pampahealthy pa ng katawan.

Ilan lang ‘yan sa mga puwedeng i-offer ng Bani, Pangasinan. Bukod pa diyan ang kanilang mga tourist attraction gaya ng ­kanilang white beaches. (Rona Ronda/Athena Yap)