PAL, AirAsia, CebuPac tigil biyahe hanggang Mayo 15

Kasunod ng pagpapalawig ng gobyerno sa enhanced community quarantine, sinuspinde rin ang iskedyul ng ilang kompanya ng eroplano hanggang sa Mayo 15.

Sa magkakahiwalay na abiso ng Philippine Airlines (PAL), AirAsia Philippines at Cebu Pacific, mananatiling kanselado ang kanilang mga local at international flight hanggang sa susunod na buwan.

“Those who booked flights on or before April 24 can reschedule for dates before October 31 this year without paying for additional cost, provided there are available seats,” batay sa pahayag ng AirAsia.

Inihayag naman ng PAL na ang mga apektadong kostimer ay maaaring i-convert ang kanilang tiket sat rave voucher na mayroong isang taon na validity.

Sabi pa ng PAL, maaari rin i-refund o kumuha ng one-time free rebooking para sa biyahe bago o hanggang sa Nobyembre 2020.

“For rerouting, fare difference and taxes may be collected,” ayon pa sa PAL.

Samantala, ang may opsyon naman ang mga kostumer ng Cebu Pacific na mag-rebook at ma-refund na walang sisingilin sa kanila.

Maaaring gawin umano ang rebooking sa website ng CebuPac.

Idinagdag pa ng mga nabanggit na kompanya na plano nilang balik ang operasyon sa Mayo 16, kung papayagan na sila ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan. (Dolly Cabreza)