Nagbanta ang Kamara na irerebyu ang prangkisa ng Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific dahil masyado umanong mahal ang ticket ng mga ito bukod sa madalas ma-delay ang mga biyahe.
Ginawa ni House majority leader Rodolfo Fariñas ang babala sa pagdinig ng House committee on transportation na pinamumunuan ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento ukol sa reklamo ng mga pasahero sa masyadong mahal na ticket at delayed flights ng mga nabanggit na airline companies.
“Every week kliyente niyo kami, at ang downtime ko sa PAL siguro weekly nasasayang mga minimum of two to five hours. Tell your corporate bosses that I will review your franchise.
We can amend your franchise anytime. You make a killing, and we are at your mercy. Pinagsasamantalahan ninyo ang riding public,” ani Fariñas sa mga kinatawan ng PAL at CebuPac sa nasabing pagdinig.
Ayon sa mambabatas, ang prangkisa ng PAL at Cebu Pacific ay hindi nila karapatan kundi prebilehiyo lamang na ibinigay ng sambayanang Filipino.
Wala ng gusto sumakay ng barko pauwi ng probinsiya. lahat gusto sa eroplano sumakay. law of supply and demand tawag jan
Mabuhay ka House majority leader Rodolfo Fariñas! as long as para sa kapakanan ng nakakarami mamamayang Pilipino…thumbs up
EPAL na naman, sana lang totoo ang pananakot at gawin ang tama para sa kapakanan ng mga bumabiyahe, lalo na mga OFW.
hello….bakit?…