PAL-Lucio Tan gahaman sa kita, 300 worker sinakripisyo

Binatikos ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite ang Philippine Airlines (PAL) na pag-aari ni Lucio Tan bunsod ng pagkakasibak sa 300 empleyado nito na umano’y mistulang isinakripisyo sa kagustuhan kumita ng malaki.

“In their thirst for bigger profit, the top ­honchos of PAL chose to axe employees who are at the frontliners of keeping their business up in the air. It’s always these people who are always the first casualty when super-profit is in danger. This is grave injustice,” sabi pa nito.

Kilampag din nito si Pangulong Rodrigo Duterte sa pinangangambahang matinding krisis sa trabaho ng bansa kasunod na rin ng pagsasara ng ilang mala­laking kompanya tulad ng Honda.

Kailangan umano ng agarang aksyon ng Pangulo sa lalong madaling panahon.
“Where is the President and his economic managers? Where are his ‘legacy’ makers? Counting those from Honda, Nokia and Wells Fargo, displaced workers would already total to around 1,700. We need urgent action as this consecutive retrenchments is leading fast into an economic disaster,” lahad pa rin ni Gaite.

Sa halip na puro batikos sa kanyang mga kritiko, dapat umanong pagtuunan ng pansin ng Pangulo ang pag-aksiyon sa problemang ito na kinakaharap ng bansa.

Tinukoy ng kongresista ang pagsasara ng Honda at ang pagsibak sa 300 empleyado ng PAL na libo-libo ang manggagawa.

“A terrible job crisis is imminent. After the abrupt closure of Honda just a few days ago, now we have this lay off in Philippine Airlines. Meanwhile, our President is busy attacking his critics. In attacking ABS-CBN and freedom of the press, instead of facing the exploding economic problems that this country is facing,” ayon kay Gaite.

Ayon sa kongresista, ang mabilisang aksiyon ng Pangulo ang kailangang kung nais nitong hindi mahaharap sa ‘economic disaster’ ang bansa.
“We need urgent ­action as this consecutive retrenchments is leading fast into an economic disaster,” dagdag ni Gaite. (Eralyn Prado)