Nangangapa ang isang opisyal ng Malacañang sa ulat na itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang radio interview, sinabi ni Presidential Communication Office (PCO) Secretary Martin Andanar na wala siyang direktang impormasyon sa mga kumakalat na balitang iuupo si Arroyo sa DFA.

“Pasensiya na po at wala akong direktang knowledge at impormasyon tungkol sa balitang iyan,” diin ni Andanar na noong nakaraang linggo ay nagsabing sa kanyang tanggapan lang manggagaling ang opisyal na pahayag mula sa Pangulo.

Nitong mga nagdaang linggo ay naging usap-usapan na si Perfecto Yasay ay papalitan ni Arroyo sa DFA.

Ang pag-upo umano ni Arroyo sa DFA ay upang mapabilis ang plano ni Pangulong Duterte sa joint exploration ng West Philippine Sea (WPS).

Sa administrasyon ni dating Pangulong Arroyo, pumasok ito sa isang Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU) sa China kung kaya’t nalaman ng China ang mga nakatagong resources sa ilalim ng karagatan ng WPS.

Minsan nang inalok ni Pangulong Duterte si Sen. Alan Peter Cayetano para maging kalihim ng DFA pagkatapos ng one year ban sa mga natalo sa nakaraang halalan, pero ipinakita ni Cayetano kung paano siya mapapakinabangan ng Pangulo kung mananatili siya sa Senado sa isinagawang pagdinig sa extrajudicial killings sa kampanya laban sa iligal na droga.

4 Responses

    1. OMG – How far Duterte will pay GMA with the favor given to him during the past elections? Nailabas na nya si GMA sa jail and I think that’s good enough. I know this are all just speculations and news but if it ever happens that Duterte installed her as the new DFA Secretary then that will be the time na mawawala ang lahat ng respeto ko sa kanya.