Palakasan ng hukbo: Cabalsa vs Tubino

Mga laro mamaya: (Filoil Flying V Centre)

2:00 pm – PH Air Force vs Pacific Town PH Army

4:00 pm – Creamline vs Motolite

6:00 pm – PetroGazz vs Choco Mucho

Tampok ang pasiklaban nina Jozza Cabalsa ng Philippine Air Force at Royse Tubino ng Pacific Town Philippine Army rematch ng dalawang hukbo mamayang alas-2 ng hapon sa 3rd PVL Open Conference 2019 2nd round elims sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Patok ang PAF na galing sa pag-sweep sa Chef’s Classics nitong Sabado at sa straight sets win din sa 1st round elims kontra PTPA nitong Setyembre 14.

Si Cabalsa ang nagpabibo sa pagpapatimbuwang ng nasa ikalimang Lady Jet Spikers (7-8) sa Lady Red Spikers sa binombang 12 points.

Pero atat na makakalas ang kasalo sa 6th-running Lady Troopers (6-9) sa limang tilapon, huli sa mga kamay nitong Oktubre 19 laban sa Motolite na rito’y naka-17 markers si Gonzaga na kasalukuyan nang nagti-training camp sa Japan para sa national team, habang may 9 pts. si Joanne Bunag at 6 si Tubino.

Hambalusan din ang Creamline (15-0)-Power Builders (10-5) sa alas-2 ng hapon, at PetroGazz (11-4)-Choco Mucho (6-9) sa alas-6 ng gabi. (Aivan Episcope)