Palarong Pambansa: 3rd gold, 2nd record kay Cabayaran

‘Di napigilan ang 12-anyos na si Alexie Kounzenye Cabayaran ng Western Visayas na itala ang ikalawang niyang Palarong Pambansa record tungo sa pagsungkit ng ikatlong gold medal sa ikalawang araw ng swimming nitong Miyerkoles sa University of the Philippines-Mindanao Sports Complex sa Davao City.

Bumawi ang mula Silay City, at Mambulak Elementary School incoming grade sa kapos na ikalawa sanang sunod na Palaro mark noong Martes, nang manalasa sa elementary girls 100m freestyle sa 1:10.11 clocking para tanghaling unang triple gold winner dito.

Unang napagtagumpayan ni Cabayaran ang girls 200m freestyle at 100 backstroke, na rito’y kinapos siya ng ilang saglit para sana sa isa ring PP mark.

May new meet record din ang kakuwadra niyang si Trexie dela Torre, na dalawang beses bumura sa secondary girl’s long jump. Dinaig ni Dela Torre ang dalawang karibal na nilampasan din ang record para magwagi ng pilak at tanso. Lumundag si Dela Torre ng 5.77m at ng panghuli na 5.84m.

Naglista rin si Central Luzon bet Marvilyn Canion ng 5.84m upang pantayan si Dela Torre. Gayunman, may 5.75m lang siya sa first attempt para sa personal best at silver.

Nahigitan din ni Bicol Region’s Jasmin Bombita ang old record 5.66m ni Maricel Sibug ng Southern Mindanao sa 5.73m jump para sa bronze finish. (Lito Oredo)