Inaasahan ang paglilipat ng buwan sa pagdaraos ng 63rd Palarong Pambansa 2020 habang iniutos na put on hold din ang lahat ng mga regional qualifying event na itinakda para sa national finals na gaganapin sa Marikina City dahil sa pangamba sa kalusugan ng mga kabataang estudyante na atleta.
Ito ang napag-alaman sa ilang regional director na dumalo sa ginanap 2020 Palarong Pambansa Final Technical Conference sa Marikina City Convention Center.
“All regional Palaro (meet) on hold until further notice. Palarong Pambansa is now postponed, new dates to be determined by EXECOM,” post ng isang regional director kahapon.
Una nang inihayag ng Department of Education (DepEd) na ipagpapatuloy ang pagsasagawa ng Palarong Pambansa kahit na marami ang nangangamba sa panganib at posibleng epekto ng lumalaganap na coronavirus.
Pero ang mga naunang iniliban ng DepEd noong Pebrero kagaya ng National Schools Press Conference, National Science and Technology Fair, at National Festival of Talents dahil sa paglaganap ng virus ay tuloy na.
Ang unang petsa 2020 Palarong Pambansa ay sa darating na sanang Abril 1-9. (Lito Oredo)