Pinangatawanan nina Matt Palasan at Gennifer Pagente ang billing bilang top seeds nang mangibabaw sa fifth leg ng 19th HEAD Junior Tennis Satellite Circuit sa La Paz Tennis Club courts sa Iloilo City.

Nag-rally si ­Palasan para kalusin si Venz ­Alforque 4-6, 6-0, 6-4 sa 18-under boys singles final, ibinulsa ni Pagente ang 16-under girls singles trophy sa bisa ng 6-2, 6-2 dominasyon kay Bliss Bayking.

Sa iba pang boys ­singles final results, tinalo ni Khenz Justiniani si Axl Lajon Gonzaga 7-5, 6-2 sa 12-under, nilaktawan ni Raven Hitosis si Jericho Ong 6-2, 6-4 sa 14-under, at biniktima ni Venz Alforque si Jon Dreve Jimenea 6-4, 6-1 sa 16-under.

Kampeon din sina Alexie Santos (18-­under girls singles), ­Theresa Claire Nacito (14-­under girls), at Erika ­Ayson (12-under girls).