Malaki pa rin ang bilang ng mga naghihirap na Pilipino sa kabila ng pagbaba ng inflation.

Ito ang naging reaksyon ni Spokesperson Salvador Panelo kasunod ng ipinalabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) na may 50% porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwala na sila ay mahirap, na bumaba naman ng 2% noong Set­yembre, 2018.

“Even as we acknowledge such positive development, we note however that the poverty among Filipinos is still high,” ayon kay Panelo.

“In addressing it, we must, as articulated by Sec. (Ernesto) Pernia of (the National Econo­mic and Development Authority), sustain high economic growth that creates many jobs and reduce prices and inflation,” dagdag pa ni Panelo.

Sa kabila nito, naniniwala si Panelo na mas ­tinatamasa ngayon ng mga Pilipino ang kompor­tableng buhay.

Patuloy naman umanong tinutugunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang epekto ng inflation sa pagtaas ng presyo ng bilihin.